|
Hayca
Jun 26, 2006 6:23:33 GMT -5
Post by Winter-Blue on Jun 26, 2006 6:23:33 GMT -5
Pumasok na rin pala sa showbiz ang eldest daughter ni Jessica Rodriguez na si Hayca Bunevacz. Her biological father is Korean-Japanese at in-adopt na kasi siya ng stepfather niya, ang dating athlete na si David, kaya apelyido na nito ang kanyang ginagamit. Kasama si Hayca sa pinakabagong programa ng QTV-11, ang Posh kasama ang mga bagets ding sina Iwa Moto, Gian Carlos, Vivo Ouano at marami pang iba. Iwamoto ang real surname ni Hayca, kaya naman nang malaman niyang pareho sila ni Iwa na, incidentally, ay Japanese rin ang ama, pareho nilang ikinunsidera ang possibility na magkapatid sila. “When I first met her nga, parang ang gaan ng loob ko agad sa kanya. So, sabi ko, baka nga. Kaya nga nag-usap kami na dadalhin namin ang picture ng mga daddy namin bukas to know kung iisa ba sila,” say ni Hayca sa presscon. Nang magkuwentuhan kasi sila ni Iwa, maraming qualities na nagkakapareho ang kanilang mga ama, tulad na lamang ng pagiging babaero nito. Kung sakaling magkapatid nga sila, welcome na welcome sa dalawang bagets ang isa’t isa, lalo pa nga’t pareho silang iniwan ng kanilang ama nang maliliit pa sila. Anyway, mapapanood ang Posh every Saturday starting June 24, 5 p.m. It’s a youth-oriented show na tila Click noon, at kasama rin sa barkada sina Pj, Princess, Vaness, Rhea, Ivan, Joaquin, Miguel and Ashley.
People's Tonight 6/21/2006 19:22 PM
|
|