|
Post by sophie28neveu on Nov 24, 2006 4:58:34 GMT -5
MASAYA ang lovelife ni Iwa Moto. Sobrang in love ang hitad sa boyfriend of five months na si Yexel Sebastian.
So far, smooth naman daw ang takbo ng kanilang relasyon, ayaw nilang paapekto sa mga katsipang intriga tulad ng siya (Iwa) mismo ang naghahanp ng project para sa boyfriend, at ang ipinagagawa niyang bahay ay preparasyon sa nalalapit nilang pagpapakasal.
Tigas ang pagtanggi ni Iwa sa dalawang isyu, at mahabang litanya ang pinakawalan tungkol sa bahay.
“’Yung bahay, pundar ko ’yun for my mom. Gusto ko, may investment sa kita ko. Sobra naman ’yung ako ang magpapagawa ng titirahan namin ni Yexel. Dapat siya, ’di ba?
“Besides, 18 lang ako, siguro kung mag-aasawa ako, after 10 years pa. Career muna ang priority ko. Saka na ’yang marriage,” pagtatapos ng isa sa mga bida ng Pitong Dalagita ng Canary Films.
Ang iba pang kasama ni Iwa sa movie ay sina Angelica Panganiban, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Valerie Concepcion, Cristine Reyes at Jay-R Trinidad.
Enjoy si Iwa sa kanyang role sa PD as Tisha, the bombshell who’s always the object of fun dahil sa katangahan.
“Parang ako mismo, hahaha!” biro ng hitad.
By the way, may good news si Iwa sa male fans, dahil by next year, desidido na siyang magpa-sexy. Hindi na niya ipagdaramot ang “perfect figure.”
“Siyempre, if you have the body, show it!” aniya.
|
|
|
Post by numberonefan on Nov 25, 2006 6:09:42 GMT -5
[glow=red,2,300]Wow!! Tnx For This Article... Gulat ako sa 1st part..KASALAN agad!! hahaha!! Wow naka pundar na pala si aileen ng Bahay!! Congratulations Ai! ;D Wow!! Abangan natin ang pagpapasexy ni Iwa!! May POINT si Iwa dito “Siyempre, if you have the body, show it!” [/glow]
|
|