Post by sophie28neveu on Nov 24, 2006 5:03:35 GMT -5
Sa pagpunta-punta namin sa Amerika kasama ang ilang mga celebrity natin na nagpe-perform doon, hindi namin namamalayan na paminsan-minsan ay nakakasama namin doon si Jush Andowitt.
Si Jush ay isang financial adviser na konektado sa isang higanteng financial company na Merril Lynch, and on the side ay nagsusulat sa isa sa mga Filipino newspaper sa Los Angeles area at madalas nag-eemcee sa mga show ng mga artista tuwing siya ay hihilingan ng Filipina line producer doon na si Marissa Luces.
Nakatsikahan namin si Jush over lunch sa Podium noong isang araw bago siya umalis pabalik ng LA. Si Jush ay konektado rin ngayon sa GMA Pinoy TV bilang publicist. Sa more than one month niyang pagbabakasyon dito ay kinailangan niyang dalawin ang GMA network para tsikahin ang maraming artista at talents ng nasabing network para sa releases niya sa Amerika for GMA Pinoy TV.
Sa pakikipagtsikahan namin kay Jush ay nalaman namin na simula nang ilunsad ang GMA Pinoy TV noong Agosto 2005 ay may 100,000 subscribers na ito all over the states compared sa TFC ng ABS-CBN International na mayroong 250,000 subscribers to date from the time they launched 12 years ago.
Sa dalas naming bumisita sa Amerika ay nalaman namin ang mga carrier na nagdadala ng dalawang magkalabang network.
Hindi nabahala si Jush sa business tactic ng ABS-CBN International nang makipag-deal ito sa Direct TV, isa sa may malaking cable provider sa US nationwide kung saan package ang pag-subscribe sa GMA Pinoy TV.
Sa kanilang kundisyon, kung magsu-subscribe ang isang bahay sa GMA Pinoy TV ay kailangang mag-subscribe din ito sa TFC ng ABS-CBN, pero ok lang silang mag-subscribe sa TFC nang wala ang GMA Pinoy TV.
Ayon kay Jush ay malapit nang matapos ang kontrata nila with Direct TV at makikipag-negotiate sila ng bagong deal. May mga ibang cable provider daw na konektado sila na walang ganoong deal gaya ng Time Warner at iba pa depende sa lugar.
Gayunpa- man ay maganda ang naging reception ng mga Pinoy natin roon at may mga request na siyang natatanggap para dalhin doon ang GMA Artist and talents.
Nagpa-survey siya kung sino ang malakas na artista ng GMA Network.
Lumabas sina Dennis Trillo, Alfred Vargas, Dingdong Dantes, Mark Herras, Richard Gutierrez, at Marky Cielo sa mga lalaki.
Sa babae naman ay sina Angel Locsin, Rufa Mae Quinto, Ara Mina, Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Iwa Moto at Maureen Larrazabal..
Kahit part-time lang ang trabaho ni Jush Andowitt (na may dugong Pinoy, Hawaiian at Japanese) sa GMA Pinoy TV ay mapapadalas ang uwi niya sa Pilipinas.